Hmm. May neuro ako. [Neuro (noun) - something I am mulling over, confused about]. What if, meron kang coworker (opposite sex). Acquaintances lang kayo, not really that close. You've talked a couple of times. At syempre, pareho kayong consultant so you barely see each other at the office. Tapos, bigla kayong naassign sa same client. Kaya ngayon, forced ka na makisabay sa kanya papunta sa office at pabalik ng hotel. So yun, first time niyong magsabay pauwi. Eh dinner time na so kain muna kayo somewhere. Along the way syempre marami rami narin napag-usapan niyo kasama na don ang pag-gygym at pagkain, at ang fact na may swimming pool sa hotel. Hmm, so nag comment ka na gusto mo itry yung pool next week siguro. Tapos sinabi niyang parati shang nandun. Ok pinalagpas mo nalang ang comment na yun at continue sa usapan. At bago kayo umakyat sa kuwarto ay tinanong ka kung gusto mong magkita sa pool mamayang gabi (since namention mo nga na gusto mo). Sheez hindi ko alam kung ako lang ba yon, or weird lang tlga yon? Baka ako lang yon at ang pagsswimming ay may kakaibang connotation? LOL. Teka, hindi naman sa green-minded ako, pero unang una, hindi pa kayo ganun kaclose. At pangalawa, hindi naman kailangang pati sa pagsswimming ay sabay kayo, hindi naman kayo best friends, at lalong hindi niyo naman kailangan ang isa't isa upang makapagswimming. At pangatlo, alam niyo na yon, swimming=swimsuits. Hahaha weird ako. Ibang generation na nga ako, pero may natitira pa naman akong neuro sa ibang bagay. Hindi ko alam if it's an American thing na ok lang yon. I should ask someone. Heheh. Tanong natin sa Kano diyan. Asan na ba yun?
-*-*-*-*-
I discovered something today. Masarap pala ang Diet Coke with Lime. It has a nice little kick to it. So there. Exciting ba ang araw ko? LOL. I feel like having a cookie. Buti nalang hindi ako natempt bumili kanina hehehe. Ang maganda lang sa nakatira sa hotel, pag tamad kang lumabas, hindi ka rin makakain hehehe. Bawas lamon. Punta kaya akong gym? Parang ayoko dahil a certain someone commented na magwowork out daw sha. No thanks. Tae bo nalang ako sa umaga. Hayh. I gotta get back to work. Amazing ang manager ko eh. Amazing sa pag expect ng trabaho. Yung mga tipong tao na dahil parang wala silang buhay kundi trabaho dapat ikaw rin ganun. Hehehe. Pero wala akong magagawa ang trabaho ko ang nagpapalamon sakin. Ayun, back to work.
0 comments:
Post a Comment