Thursday, April 27, 2006 | By: danztilya

Guy Talks Girl

A Venture in the Woman’s Mind


Bakit palaging ganyan ang mga lalaki. Sa una, sobrang sweet and sobrang caring. Palibhasa kasi bago palang kayong nagkakilala at kapaan pa raw ng pagkatao. Kelangan siguro magpakita ng impression na super interested sila sa girl kaya gagawin lahat, susuporta din sa lahat. Kailangan pa bang I-fake ang first impression? Bakit? Ibig sabihin ba nun ay hindi talaga sweet, charming and nice ang mga lalaki? Hay naku… Malay ko ba sa kanila. Tapos kapag napansin na, maslalo magiging sweet dahil may iba na silang gusto sayo eh. Hindi papayag yun na friends lang talaga kayo lalo na kapag interested siya sayo. So bubuntot-buntot siya sayo na parang aso at wala nang ibang sasabihin kundi oo sa mga gusto mong gawin. Kahit magkabilang mundo ang mga tirahan ninyo ay hihintayin ka niya at ihahatid sa bahay each and every day. Awww… So sweet. Alam niyang sobrang busy ka dahil sa school… or dahil sa work… pero pupuntahan ka pa rin niya. Sasamahan ka parin niya at tutulungan ka pa nga niya sa mga ginagawa mo. Kahit maging utusan siya for the day. Kahit madaling araw na siya umuwi. Ok lang. It’s all for you naman kasi nun eh. Hay nako… ang sarap talaga isipin. Ang sarap magreminisce sa mga times na ganun ang guy.



Shempre sobrang naimpress ka sa kanya diba so ibibigay mo na ang iyong “OO” at sasagutin mo na ang tanong niya na “will you be my baby?” Sobrang saya talaga! Dahil alam mong may nagmamahal sayo at alam mo na parati siyang nandiyan para sayo. Shempre masasanay ka na kasama mo siya everyday. So hahanap-hanapin mo siya. Text jan, tawag doon, of course hindi ka naman iiwanan nun sa ere noh! So pagtext mo, reply kaagad yun! Tatakbo kaagad yun papunta sayo! Parang alipin na tinawag ng kanyang master. Magkasama na kayo ulit! Yehey! Kumpleto na ulit ang araw mo! Buo na ulit ang buhay mo! Everyday magkasama kayo, every night magkadate kayo. Basta break mo, andun siya. Of course in return, ibibigay mo na rin ang konting part ng sarili mo sa kanya. Kahit pagod ka na dahil sa busy mo na araw, you will still find time to catch the last full show with him. Kahit pinapagalitan ka na sa bahay dahil hindi ka na nakikita. Kahit 12 am ka na umuuwi dahil galing kayong dalawa sa mall, ok lang. Magkasama kayo eh. Nothing is more sweeter and more fulfilling than that. Kapag birthday ng pinakamamahal mong boyfriend ay ilang oras kang iikot-ikot sa mall para lang makita ang Perfect gift. Baller ID? New Shirt? Shoes? Basta lahat ng naiisip mong bagay iregalo sa kanya. Hihilingin mo rin minsan na sana ay milyonaryo ka para maibibigay mo lahat ng gusto niya… para lang sa kanya. Hindi mo naiisip na unti-unti, nagiging sentro na siya ng buhay mo. Darating ang panahon na handa ka nang ibigay lahat para sa kanya. Natitirang konting oras mo. Bawat tibok ng puso mo. Kahit Virginity mo: Isusuko mo lahat yun para kanya. Ganun mo siya kamahal. Kampante ka na sa kanya dahil sa lahat ng “pagmamalasakit at pagmamahal” na ipinikita niya sayo. Masaya parin ang buhay.


Ngunit, subalit, datapwat, sa isang di inaasahang panahon. Sa mga araw na akala mo ay ok lang naman kayo. Normal na araw kung baga. Bigla siyang magbabago. Mamalasin ka lang talaga at mapapansin mo pa yun. May kausap ka lang na ibang lalaki, friends lang kayo ah! Grabe ang pangit nga ng kausap mo ngayon eh… pagseselosan parin niya. Magagalit siya sayo dahil katext mo yung isang guy na nakilala mo lang dahil sa project, dahil ka-officemate mo siya. May masama ba naman dun? Wala naman diba? Eh kung sa may kailangan lang naman talaga yung guy eh. Eh kung sa nice guy lang naman siya eh. Eh kung sa friends lang naman talaga kayo eh. Magmamaktol na yang baby mo. Magiging tiyanak na yan. “Bakit mo kausap yan? Sino yan ha? Gilitin ko leeg niyan eh. May iba pa bang kailangan yan sayo? Pinagpapalit mo na ba ako?” Shempre girl ka lang diba? Parang espadang tumatagos sa puso mo yung mga sinabi niya. Friend lang naman yun ah. Ni hindi ko nga siya maikukumpara sa boyfriend mo at sa lahat ng dinaanan na niyo eh. Mahal mo siya. Wala nang iba. Siya naman ay kunwari ok lang. Pero makikita mo parin ang mata niyang nanlilisik sayo. Hindi mo pa nakikita sa kanya ang ganung klaseng titig na nakadirekta sayo. Masakit. Pero kakayanin. Sige na… oo na… tama na… ako na mali. Hindi ko na kakausapin yung guy na yun. Promise. Akala mo ok na ang lahat. Magiging sweet ulit siya… pero magkakaroon siya ng bagong pagseselosan. Tapos mauulit nanaman ito. Tapos lalabas na iniipon pala niya lahat ng galit niya sa iyo. Ibabanggit nanaman niya ang mga pangalan ng mga lalaking nakausap mo dati ng pinagselosan niya. Kasama pa nga yung middle initial nung lalaki eh. Para bang may listahan siya ng mga maling nagawa mo. Tapos iiyak ka nanaman. Tapos hindi mo nanaman alam kung ano ang gagawain mo. Tapos aaminin mo naman na kasalanan mo at mag-sosori ka.

Unti-unting nawawala ang nakilala mo at minahal mo sa pagkatao niya. Dati everyday ay magsama kayo. Ngayon ay once or twice week nalang. “Aalis kami ng mga kabarkada ko. May kailangan kasi ako gawin bukas eh. Boys night(s) out kasi kami eh. Di kita masasamahan mamaya. Sorry. I love you.” Todo understanding ka naman kasi mahal mo siya eh. Pero mag-isa ka nalang umuuwi ng 11pm ng gabi. Masmarami nang oras na wala ang boyfriend mo kaysa sa nandiyan siya. Magrereklamo ka minsan, o kahit kakausapin mo lang naman siya dahil feeling mo nagbago na kayo. Pero magagalit lang siya sayo. “Kulang pa ba lahat ng nagawa ko para sayo? Am I not enough for you?” Aray ko po… ayan nanaman ang mga masasakit na salita niya. Ayan nanaman ang mga luha mo… umaagos na parang wala nang bukas. Hindi mo ma-reason out na nagbago na nga kayo. Na hindi na siya katulad ng dati na excited kang samahan at puntahan. Hindi niya siya katulad ng dati na sobrang ok lang at go sa lahat. Nagbago na nga talaga kayo. Pero hindi mo kayang ipaalam sa kanya yun dahil babarahin at paiiyakin ka lang niya. Ano pa ba magiging desisyon mo? Break, cool off na ito.


May mga lalaki na kapag nakarinig ng bad news sa kanyang mahal ay magwawala. Maslalong magagalit. May mga guys na biglang namang nag-bre-breakdown at iiyak dahil hindi alam ang nagawa. Papano eh sarado ang tenga at ngayon lang makikinig sayo for the first time. May mga guys na babawiin lahat, todo confess na they are in the wrong. Susuyuin ka ng flowers and teddy bear na sobrang cute. Magpapakita sayo ng super nakakaawang itsura habang sinasabing “I’m really sorry baby… I love you so so much and I don’t want to lose you.” Shempre kagat ka naman dahil cotton candy lang puso mo. After 1 week or two… balik nanaman siya sa dati niyang ugali which merits another cool off… and the cycle goes on. Pero meron din namang mga lalaki na sobrang tigas! As in! Nakakainis talaga! Hindi mo akalaing sila pa talaga may ganang magalit sayo at mag-isip ng kung ano-ano. Ipaglalaban ang sarili nilang reasoning na hindi mo alam kung saan nila napulot. Ipaglalaban nila ang reasoning na sila ang tama, na hindi nagbago ang pagtingin nila sayo. “You have no right to say those things to me. Siguro nga kailangan nating mag-cool off.” Kapag nataranta ka doon ay ikaw naman ang biglang hahabol sa kanya. Shempre style yun! O, ano ka ngayon? Edi lumalabas na ikaw naman ang mali ngayon? O nautakan ka nanaman sister? Ay sus… wala tayong magagawa dun… girl eh. At ito… may isa pang type ng guy na hindi ko alam kung sobrang mautak lang talaga siya o sobrang messed up lang niya, na sa sariling niyang mga issues ay ikaw ang nasasaktan at naiipit. “Sorry talaga kung ganun ang nararamdaman mo, may mga problema lang talaga ako ngayon at hindi ko alam kung papano sila ayusin. Kailangan ko muna I-settle ang sarili ko. Siguro nga kelangan natin ng space to thing about stuff.” O sino ang talo sa sitwasyon na ito. Ikaw parin diba? Feeling mo iniiwan mo siya sa panahon na kailangan ka niya. Pero kung matigas ka ok lang yun. Bwahahaha! Sige cool off na tayo. “Sige… sorry talaga kung nasaktan kita ah. Gusto mo friends nalang tayo para hindi ka naiipit sa akin (wow understanding). Ok lang sakin na makipag-date ka sa iba. Masasaktan nga lang ako, di naman maiiwasan yun eh, pero ok lang talaga. (awwww sad…).” Kapag nakarinig ka ba ng ganito ay maiisip mo parin na makipagdate sa iba? Basta ako hindi. So… Ipit ka parin! Kahit ano mangyari. Grabz ang galing noh?

Sobrang labo talaga ng mga guys. It drives me crazy to the point na ayoko na magmahal ng guy. Pero sobrang hindi ka complete kapag walang guy sa buhay mo. I’m so confused and yet I still yearn for one. Hay nako… good luck nalang sa atin.


DISCLAIMER: I did not write this, and I think the author wouldn't want me to divulge his identity. Anyways, nagalingan lang ako :)

0 comments: