Thursday, April 27, 2006 | By: danztilya

Guy Talks Girl

A Venture in the Woman’s Mind


Bakit palaging ganyan ang mga lalaki. Sa una, sobrang sweet and sobrang caring. Palibhasa kasi bago palang kayong nagkakilala at kapaan pa raw ng pagkatao. Kelangan siguro magpakita ng impression na super interested sila sa girl kaya gagawin lahat, susuporta din sa lahat. Kailangan pa bang I-fake ang first impression? Bakit? Ibig sabihin ba nun ay hindi talaga sweet, charming and nice ang mga lalaki? Hay naku… Malay ko ba sa kanila. Tapos kapag napansin na, maslalo magiging sweet dahil may iba na silang gusto sayo eh. Hindi papayag yun na friends lang talaga kayo lalo na kapag interested siya sayo. So bubuntot-buntot siya sayo na parang aso at wala nang ibang sasabihin kundi oo sa mga gusto mong gawin. Kahit magkabilang mundo ang mga tirahan ninyo ay hihintayin ka niya at ihahatid sa bahay each and every day. Awww… So sweet. Alam niyang sobrang busy ka dahil sa school… or dahil sa work… pero pupuntahan ka pa rin niya. Sasamahan ka parin niya at tutulungan ka pa nga niya sa mga ginagawa mo. Kahit maging utusan siya for the day. Kahit madaling araw na siya umuwi. Ok lang. It’s all for you naman kasi nun eh. Hay nako… ang sarap talaga isipin. Ang sarap magreminisce sa mga times na ganun ang guy.



Shempre sobrang naimpress ka sa kanya diba so ibibigay mo na ang iyong “OO” at sasagutin mo na ang tanong niya na “will you be my baby?” Sobrang saya talaga! Dahil alam mong may nagmamahal sayo at alam mo na parati siyang nandiyan para sayo. Shempre masasanay ka na kasama mo siya everyday. So hahanap-hanapin mo siya. Text jan, tawag doon, of course hindi ka naman iiwanan nun sa ere noh! So pagtext mo, reply kaagad yun! Tatakbo kaagad yun papunta sayo! Parang alipin na tinawag ng kanyang master. Magkasama na kayo ulit! Yehey! Kumpleto na ulit ang araw mo! Buo na ulit ang buhay mo! Everyday magkasama kayo, every night magkadate kayo. Basta break mo, andun siya. Of course in return, ibibigay mo na rin ang konting part ng sarili mo sa kanya. Kahit pagod ka na dahil sa busy mo na araw, you will still find time to catch the last full show with him. Kahit pinapagalitan ka na sa bahay dahil hindi ka na nakikita. Kahit 12 am ka na umuuwi dahil galing kayong dalawa sa mall, ok lang. Magkasama kayo eh. Nothing is more sweeter and more fulfilling than that. Kapag birthday ng pinakamamahal mong boyfriend ay ilang oras kang iikot-ikot sa mall para lang makita ang Perfect gift. Baller ID? New Shirt? Shoes? Basta lahat ng naiisip mong bagay iregalo sa kanya. Hihilingin mo rin minsan na sana ay milyonaryo ka para maibibigay mo lahat ng gusto niya… para lang sa kanya. Hindi mo naiisip na unti-unti, nagiging sentro na siya ng buhay mo. Darating ang panahon na handa ka nang ibigay lahat para sa kanya. Natitirang konting oras mo. Bawat tibok ng puso mo. Kahit Virginity mo: Isusuko mo lahat yun para kanya. Ganun mo siya kamahal. Kampante ka na sa kanya dahil sa lahat ng “pagmamalasakit at pagmamahal” na ipinikita niya sayo. Masaya parin ang buhay.


Ngunit, subalit, datapwat, sa isang di inaasahang panahon. Sa mga araw na akala mo ay ok lang naman kayo. Normal na araw kung baga. Bigla siyang magbabago. Mamalasin ka lang talaga at mapapansin mo pa yun. May kausap ka lang na ibang lalaki, friends lang kayo ah! Grabe ang pangit nga ng kausap mo ngayon eh… pagseselosan parin niya. Magagalit siya sayo dahil katext mo yung isang guy na nakilala mo lang dahil sa project, dahil ka-officemate mo siya. May masama ba naman dun? Wala naman diba? Eh kung sa may kailangan lang naman talaga yung guy eh. Eh kung sa nice guy lang naman siya eh. Eh kung sa friends lang naman talaga kayo eh. Magmamaktol na yang baby mo. Magiging tiyanak na yan. “Bakit mo kausap yan? Sino yan ha? Gilitin ko leeg niyan eh. May iba pa bang kailangan yan sayo? Pinagpapalit mo na ba ako?” Shempre girl ka lang diba? Parang espadang tumatagos sa puso mo yung mga sinabi niya. Friend lang naman yun ah. Ni hindi ko nga siya maikukumpara sa boyfriend mo at sa lahat ng dinaanan na niyo eh. Mahal mo siya. Wala nang iba. Siya naman ay kunwari ok lang. Pero makikita mo parin ang mata niyang nanlilisik sayo. Hindi mo pa nakikita sa kanya ang ganung klaseng titig na nakadirekta sayo. Masakit. Pero kakayanin. Sige na… oo na… tama na… ako na mali. Hindi ko na kakausapin yung guy na yun. Promise. Akala mo ok na ang lahat. Magiging sweet ulit siya… pero magkakaroon siya ng bagong pagseselosan. Tapos mauulit nanaman ito. Tapos lalabas na iniipon pala niya lahat ng galit niya sa iyo. Ibabanggit nanaman niya ang mga pangalan ng mga lalaking nakausap mo dati ng pinagselosan niya. Kasama pa nga yung middle initial nung lalaki eh. Para bang may listahan siya ng mga maling nagawa mo. Tapos iiyak ka nanaman. Tapos hindi mo nanaman alam kung ano ang gagawain mo. Tapos aaminin mo naman na kasalanan mo at mag-sosori ka.

Unti-unting nawawala ang nakilala mo at minahal mo sa pagkatao niya. Dati everyday ay magsama kayo. Ngayon ay once or twice week nalang. “Aalis kami ng mga kabarkada ko. May kailangan kasi ako gawin bukas eh. Boys night(s) out kasi kami eh. Di kita masasamahan mamaya. Sorry. I love you.” Todo understanding ka naman kasi mahal mo siya eh. Pero mag-isa ka nalang umuuwi ng 11pm ng gabi. Masmarami nang oras na wala ang boyfriend mo kaysa sa nandiyan siya. Magrereklamo ka minsan, o kahit kakausapin mo lang naman siya dahil feeling mo nagbago na kayo. Pero magagalit lang siya sayo. “Kulang pa ba lahat ng nagawa ko para sayo? Am I not enough for you?” Aray ko po… ayan nanaman ang mga masasakit na salita niya. Ayan nanaman ang mga luha mo… umaagos na parang wala nang bukas. Hindi mo ma-reason out na nagbago na nga kayo. Na hindi na siya katulad ng dati na excited kang samahan at puntahan. Hindi niya siya katulad ng dati na sobrang ok lang at go sa lahat. Nagbago na nga talaga kayo. Pero hindi mo kayang ipaalam sa kanya yun dahil babarahin at paiiyakin ka lang niya. Ano pa ba magiging desisyon mo? Break, cool off na ito.


May mga lalaki na kapag nakarinig ng bad news sa kanyang mahal ay magwawala. Maslalong magagalit. May mga guys na biglang namang nag-bre-breakdown at iiyak dahil hindi alam ang nagawa. Papano eh sarado ang tenga at ngayon lang makikinig sayo for the first time. May mga guys na babawiin lahat, todo confess na they are in the wrong. Susuyuin ka ng flowers and teddy bear na sobrang cute. Magpapakita sayo ng super nakakaawang itsura habang sinasabing “I’m really sorry baby… I love you so so much and I don’t want to lose you.” Shempre kagat ka naman dahil cotton candy lang puso mo. After 1 week or two… balik nanaman siya sa dati niyang ugali which merits another cool off… and the cycle goes on. Pero meron din namang mga lalaki na sobrang tigas! As in! Nakakainis talaga! Hindi mo akalaing sila pa talaga may ganang magalit sayo at mag-isip ng kung ano-ano. Ipaglalaban ang sarili nilang reasoning na hindi mo alam kung saan nila napulot. Ipaglalaban nila ang reasoning na sila ang tama, na hindi nagbago ang pagtingin nila sayo. “You have no right to say those things to me. Siguro nga kailangan nating mag-cool off.” Kapag nataranta ka doon ay ikaw naman ang biglang hahabol sa kanya. Shempre style yun! O, ano ka ngayon? Edi lumalabas na ikaw naman ang mali ngayon? O nautakan ka nanaman sister? Ay sus… wala tayong magagawa dun… girl eh. At ito… may isa pang type ng guy na hindi ko alam kung sobrang mautak lang talaga siya o sobrang messed up lang niya, na sa sariling niyang mga issues ay ikaw ang nasasaktan at naiipit. “Sorry talaga kung ganun ang nararamdaman mo, may mga problema lang talaga ako ngayon at hindi ko alam kung papano sila ayusin. Kailangan ko muna I-settle ang sarili ko. Siguro nga kelangan natin ng space to thing about stuff.” O sino ang talo sa sitwasyon na ito. Ikaw parin diba? Feeling mo iniiwan mo siya sa panahon na kailangan ka niya. Pero kung matigas ka ok lang yun. Bwahahaha! Sige cool off na tayo. “Sige… sorry talaga kung nasaktan kita ah. Gusto mo friends nalang tayo para hindi ka naiipit sa akin (wow understanding). Ok lang sakin na makipag-date ka sa iba. Masasaktan nga lang ako, di naman maiiwasan yun eh, pero ok lang talaga. (awwww sad…).” Kapag nakarinig ka ba ng ganito ay maiisip mo parin na makipagdate sa iba? Basta ako hindi. So… Ipit ka parin! Kahit ano mangyari. Grabz ang galing noh?

Sobrang labo talaga ng mga guys. It drives me crazy to the point na ayoko na magmahal ng guy. Pero sobrang hindi ka complete kapag walang guy sa buhay mo. I’m so confused and yet I still yearn for one. Hay nako… good luck nalang sa atin.


DISCLAIMER: I did not write this, and I think the author wouldn't want me to divulge his identity. Anyways, nagalingan lang ako :)

Saturday, April 22, 2006 | By: danztilya

Stick Wit You

"Stickwitu"
Pussycat Dolls

I don't wanna go another day,
So I'm telling you exactly what is on my mind.
Seems like everybody's breaking up
Throwing their love away,
But I know I got a good thing right here
That's why I say (Hey)

[Chorus:]
Nobody gonna love me better
I must stick with you forever.
Nobody gonna take me higher
I must stick with you.
You know how to appreciate me
I must stick with you, my baby.
Nobody ever made me feel this way
I must stick with you.

I don't wanna go another day
So I'm telling you exactly what is on my mind.
See the way we ride in our private lives,
Ain't nobody getting in between.
I want you to know that you're the only one for me (one for me)
And I say

[Chorus]

And now
Ain't nothing else I can need (nothing else I can need)
And now
I'm singing 'cause you're so, so into me.
I got you,
We'll be making love endlessly.
I'm with you (baby, I'm with you)
Baby, you're with me (Baby, you're with me)

So don't you worry about
People hanging around,
They ain't bringing us down.
I know you and you know me
And that's all that counts.
So don't you worry about
People hanging around,
They ain't bringing us down.
I know you and you know me
And that's why I say
Friday, April 21, 2006 | By: danztilya

Freddie Krueger

Recently I've been having nightmares every night (duh that's why they call 'em nightmares). Anyway, I always wake up sweating, with my breath coming in faint gasps like I was about to be killed before I woke up. I can't remember what happens in my dreams exactly, all I can remember is the overpowering imprint of fear that these nightmares leave behind. I'm kind of curious, though, as to what these dreams are all about. My dreams are usually very interesting, when I am able to remember what they are. When I wake up in the middle of the night after an especially interesting one I usually try to repeat it to myself so I can remember when I wake up in the morning. Alas, nowadays I can remember no dreams that I can tell stories about.
Monday, April 17, 2006 | By: danztilya

Transparency and Zoom-Zoom

Everytime may problema ko, nahahalata mo. Have I become that transparent? Or can you just see right through me? Mala Superman ka ata. May X-Ray vision. Feeling ko tuloy wala akong matago. Tama na rin. Mabigat magtago ng mga sikreto.

Hay may bago akong pangarap. Pero malabo atang maabot ito. Paplanuhin ko muna ang mga bagay bagay...



Ano kayang ipapangalan ko dito? Ang next kong baby.. Hehehhe.. Kuya niya si Freddie. Parang gusto ko pangalanan ng Kenneth. HAHAHHAA. That is, kung maplano ko pera ko. Di nalang ako kakain. Bawal narin magshopping. Hayh. As if kaya ko yon. Owel.
Friday, April 14, 2006 | By: danztilya

Thank God It's Thursday

It's Thursday, but it feels like Friday to me. I only need to bill 2 more hours tomorrow and the rest of the day is free. I get to help ate out with Vince and go to the city in the afternoon. It's always nice to be home. This will be my schedule for 9 more months. Work like there's no tomorrow for four days and I get to go home on Fridays and spend more time with my loved ones. At least breakfast is buffet and dinner is on the company. It means I get to eat at tons of restaurants. So that also means I need to workout everyday. LOL. The things we sacrifice to get the things we want. Like FOOD.

Tonight I get to share Joe and Ate Ameeh's shifts, just to get a feel of how they take care of little Vince. He smiled (and smirked) at me a few times tonight. Hmmm, reminds me of someone ELSE i know...

Babies are so tiny. It's amazing to see such a small human being. Not that I'm that big myself, but you get what I mean. *Yawn* I've barely even started watching over him and I'm sleepy. Probably has something to do with that glass of milk I drank (haha I got envious of Vince drinking his milk). All right I better just start studying so I don't fall asleep here.
Tuesday, April 11, 2006 | By: danztilya

Neuro

Hmm. May neuro ako. [Neuro (noun) - something I am mulling over, confused about]. What if, meron kang coworker (opposite sex). Acquaintances lang kayo, not really that close. You've talked a couple of times. At syempre, pareho kayong consultant so you barely see each other at the office. Tapos, bigla kayong naassign sa same client. Kaya ngayon, forced ka na makisabay sa kanya papunta sa office at pabalik ng hotel. So yun, first time niyong magsabay pauwi. Eh dinner time na so kain muna kayo somewhere. Along the way syempre marami rami narin napag-usapan niyo kasama na don ang pag-gygym at pagkain, at ang fact na may swimming pool sa hotel. Hmm, so nag comment ka na gusto mo itry yung pool next week siguro. Tapos sinabi niyang parati shang nandun. Ok pinalagpas mo nalang ang comment na yun at continue sa usapan. At bago kayo umakyat sa kuwarto ay tinanong ka kung gusto mong magkita sa pool mamayang gabi (since namention mo nga na gusto mo). Sheez hindi ko alam kung ako lang ba yon, or weird lang tlga yon? Baka ako lang yon at ang pagsswimming ay may kakaibang connotation? LOL. Teka, hindi naman sa green-minded ako, pero unang una, hindi pa kayo ganun kaclose. At pangalawa, hindi naman kailangang pati sa pagsswimming ay sabay kayo, hindi naman kayo best friends, at lalong hindi niyo naman kailangan ang isa't isa upang makapagswimming. At pangatlo, alam niyo na yon, swimming=swimsuits. Hahaha weird ako. Ibang generation na nga ako, pero may natitira pa naman akong neuro sa ibang bagay. Hindi ko alam if it's an American thing na ok lang yon. I should ask someone. Heheh. Tanong natin sa Kano diyan. Asan na ba yun?

-*-*-*-*-

I discovered something today. Masarap pala ang Diet Coke with Lime. It has a nice little kick to it. So there. Exciting ba ang araw ko? LOL. I feel like having a cookie. Buti nalang hindi ako natempt bumili kanina hehehe. Ang maganda lang sa nakatira sa hotel, pag tamad kang lumabas, hindi ka rin makakain hehehe. Bawas lamon. Punta kaya akong gym? Parang ayoko dahil a certain someone commented na magwowork out daw sha. No thanks. Tae bo nalang ako sa umaga. Hayh. I gotta get back to work. Amazing ang manager ko eh. Amazing sa pag expect ng trabaho. Yung mga tipong tao na dahil parang wala silang buhay kundi trabaho dapat ikaw rin ganun. Hehehe. Pero wala akong magagawa ang trabaho ko ang nagpapalamon sakin. Ayun, back to work.
Monday, April 10, 2006 | By: danztilya

Vince Michael

Me and the new guy in my life...


Awww.. isn't he adorable? His name is cute, too, (Vince, sana matangkad ka, maputi, at magaling mag 3-point shot.. ahem ahem.. teka lang.. baka Hizon at hindi Guerrero ang surname mo hahaha!). Napapa-reminisce tuloy ako sa mga kahibangan ko nung high school. For the people who knew me when I was in 1st year high school, you'd probably remember that a day never went by that I wasn't talking about 'Vince'. :). Anyway, this is my very first nephew, his mommy is Ate Ameeh. He was born on April 6th, 2006.

Ito ba itsura niya pagtanda?

Unfortunately para sa mga nangangarap, this picture was taken right before Vince's wedding to Shaan Bermudez HAHAHA. Kaya, sorry nalang mga tol. Wala akong ibang pic na makita online eh AHAHA. Baka tamad lang ako maghanap.
Tuesday, April 04, 2006 | By: danztilya

Malas

Second day ko palang sa client, parang feeling ko nauubos nako. Ganito ba ako kahina? Siguro nasanay lang sa isang buwan na pagiging slacker. 2 hrs pa ang commute ko, at actually, pag cinount ang pag hintay ko sa train at sa bus, 3 hours. I have to wake up at 4:00 am so I can leave quarter to 5, head to the city so I can hang out with my favorite person for about 2 hours, head home and feel like sleeping. Alas, there's laundry to do (ahem wala nakong maisuot sa loob), additional things to study for work, at syempre, hindi mawawala ang nonsense kong pagchchat, at nagblog pa tlga! HAHAHHAA. Hay. Nadedepress ako. Hindi narin ako makapagwork out. Hindi lang yun, sa sobrang pagod lamon nako nang lamon. Yikes. Piglet.

-*-*-*-*-

Ilang beses na tayong naabutan nang ulan nang magkasama. Ang totoo, ayoko sa ulan. Ayokong nababasa damit ko, or yung feeling na magkakasakit ata ako. Pero imbis na mairrita e natutuwa pa ata ako, siguro dahil kasama ka, siguro dahil ang kyut mo kapag basa ng ulan, parang basang sisiw pero as usual nakangiti parin, yung ngiti mo na hindi natatanggal sa muka mo (minsan nga lang nagiging smirk, kapag may semi-evil ka nanaman na thought hahaha!). Bat kaya ganun? Talaga bang tinadhana lang tayong malasin? Or baka naman ako ang malas? Heheheh. Yun nga ata eh.
Monday, April 03, 2006 | By: danztilya

Kissing A Fool

You are far
When I could have been your star
You listened to people
Who scared you to death
And from my heart
Strange that you were strong enough
To even make a start
But you'll never find
Peace of mind
Till you listen to your heart

People
You can never change the way the feel
Better let them do just what they will
For they will
If you let them
Steal your heart from you
People
Will always make a lover feel a fool
But you knew I loved you
We could have shown them all
We should have seen love through

Fooled me with the tears in your eyes
Covered me with kisses and lies
So goodbye
But please don't take my heart

You are far
I'm never gonna be your star
I'll pick up the pieces
And mend my heart
Maybe I'll be strong enough
I don't know where to start
But I'll never find
Peace of mind
While I listen to my heart

People
You can never change the way the feel
Better let them do just what they will
For they will
If you let them
Steal your heart from you
People
Will always make a lover feel a fool
But you knew I loved you
We could have shown them all
We should have seen love through

But remember this
Every other kiss
That you'll ever give
Long as we both live
When you need the hand of another man
One you really can surrender with
I will wait for you
Like I always do
There's something there
That can't compare with any other

You are far
When I could have been your star
You listened to people
Who scared you to death
And from my heart
Strange that I was wrong enough
To think you'd love me too
I guess you were kissing a fool
You must have been kissing a fool