Tuesday, December 20, 2005 | By: danztilya

Random Thoughts

Malamang hindi mo ko kilala. Pero gusto ko parin humingi ng tawad sayo. Kung alam mo lang ang mga pinaggagagawa ko, siguro gusto mo nakong ipapatay, ipalamon sa oso, ipa-tira sa sindikato.

Minsan, akala mo, kilala mo na ang sarili mo. Akala mo, alam mo kung ano ang kaya mong gawin. Pero hindi pala. Mali ka pala. Magbabago bigla ang tingin mo sa buhay. Malalaman mong hatol pala sayo ng buhay ang mag isip nang mag isip buong gabi, walang laman ang tiyan, walang tulog, walang pag-asa, walang lahat kundi ikaw, utak mo, puso mo, at ang pangarap na bukas, di na kailangan magpuyat. O kahit man lang, pwede nang magpuyat nang masaya.

Kilalang-kilala mo ako. At dahil don, kailangan ko din humingi nang tawad sayo. Sa dami nang pinagdaanan natin, hindi sapat ang kahit anong sabihin ko para saluhin ang pagdurusang ibinigay ko. Pero, dahil din don, hindi ko rin alam kung anong dapat sabihin. O kung may dapat pa bang sabihin. Kaya, hanggang buntong-hininga nalang ako.

-*-*-*-*-

I have given up being a couch potato. It's a sad thing, but certain sacrifices need to be made, to make space in my life for this huge, needy, whiny baby called... MY FIRST PROJECT. I'm psyched, scared, excited and tired all at the same time.

There's nothing like walking around Central Park at nighttime, with the moon and the brights lights of the city. The horses are stinky though.

BEST. Iniwan mo nako dito. Fighting for my life. LOL.


0 comments: