Thursday, December 22, 2005 | By: danztilya

Adik.

Pagod na pagod nako sakaka-aral. Sasabog na ata utak ko. Ang itsura ko ngayon mukang naka-droga. Namumula at malalim ang mata, parating nawawala sa sarili at lumilipad ang utak. Nanood nalang ako kanina ng Will & Grace, at gumana naman sha. Gumaan kahit papano ang pakiramdam ko, kahit pa ilang minuto lang.

Namimiss ko ang pagsasayaw. Minsan, sinasayaw ko ang mga lumang routine, kahit na yung ibang parte nakalimutan ko na. Masaya lang. Bakit ba hindi nalang ako naging dancer? Baka sakaling di ko kailangan magpuyat nang ganito. OOPS. Kailangan din pala. Hahahaha.

Bago ko malamang may project nako, excited ako sa Pasko. Pero ngayon parang pagod na pagod nalang ako.. Sakakaisip kung magagawa ko ba to nang maayos. Syempre, kailangan maayos. So. Kung kailangang hindi makatulog nang maayos, so be it.

Namimiss ko ang Eng'g. Sana, college nalang ulit ako at Eng'g week at nagppraktis ng Indakan.

Pupunta sa Orange dance studio, kakain ng Zinger sa KFC bago sumayaw, at sasakit ang tiyan habang sumasayaw dahil naaanghangan (HAHAHA). Makikipag-agawan sa mga tao dahil kulang ang chako. Tatakbo sa tindahan para bumili ng tubig. At habang nagmamadali, nakikipagkuwentuhan narin sa kasama sa sayaw. Ay. Bibili pala ako ng Dewberry na isang pack. Tapos since mabait ako, mamimigay ako sa mga tao. :)

Kinabukasan ay Sabado. Pagod na pagod nako pero nagyayayang mag Eastwood si best (slash Steppie). Osigi. Kape hazuzual. Hmm.. gimik night Saturday night, andami nanamang pasexy sa Eastwood. Pero dahil pagod nako, naka walang sense outfit lang ako. Buti pa si Best. Parating nakaporma. Ang sabi nga niya 'Ash dapat laging handa!' Totoo Best, you never know kung kelan darating si Mr. Right, di ba? Baka hindi mo lang alam, sha na pala yung nasa kabilang table sa kapihan. O teka lang, wala kang pangsindi nang yosi. Dali, tanungin mo si Mr. Right kung may lighter sha. LOL. Hmm, ano bang palabas sa sine ngayon? Mukang maganda yon. Nood tayo. Pero 10:00 pa ang showing. Dinner muna tayo sa Fazoli's. Ay p*tah, lalamon nanaman ako? Baka di ako magkasya sa isusuot pang sayaw. Pero bahala na. Masarap kumain e. Hahaha. Tapos uwi. Tapos tulog.

Urgh... anong oras na ba? Sunday pala. At dabest, 2:00 pm na.. ngayon lang nagising. Puro pawis na ang t-shirt ko sa init ng araw. Nakalimutan ko nanaman lagyan ng kurtina ang bintana ng kwarto ko. Asan na ba si BoomBoom? Hmmm umalis ata ang mga tao ngayon sa bahay. Ano kaya maganda gawin. Diablo nalang heheh...

Ang layo na ng buhay ko ngayon.. Minsan di ko na kilala yung dating ako. HAHA. Pero teka, ilang buwan palang ang nakakalipas. Pero parang ang bilis ng buhay.

'Kay bilis kasi ng buhay, pati tayo, natangay'

Gulo gulo nanaman ang utak ko. Oops. Almost midnight na. Parang awa mo na Ash, mag aral ka na ulet. Oki. Laterz.

0 comments: