Thursday, July 20, 2006 | By: danztilya

Good Luck

Good luck sa lahat. Sa lahat ng nagmamahal. Minsan talaga, mawawalan ka ng pag-asa. Pero sabi nga ng isa kong kakilala, 'It's all part of the game.' Pag inisip mo rin, napakadami mong blessings, na nakakalimutan mo kapag may malaki kang problema. :) You've wasted enough time, why waste more? Isang century lang or less ang buhay nating lahat. Napakahirap na nang ibalance ung natitira mong oras sa mga bagay na gusto mong gawin, iwawaste mo pa sa pagmumukmok? :). Kudos sa lahat ng malalakas na tao diyan, hayaan niyo, in the end, it will all be ok. If it's not ok, it's not the end. :)

Wala akong oras recently. Binalanse ko sa pag figure out ng buhay kong nalolost, trabaho, and mga bagay na walang kwenta. Kaya siguro di nako nakapagsulat. Pasensya na at wala akong pasensyang mag-ingles ngayon. Siguro kasi, nakakamiss ang sariling lengwahe kapag puro kano ang kausap mo. Not na olats sila, but sa totoo lang, nakakamiss tlga ung komportableng komportable ka sa kausap mo di ba? Walang imbento, walang kunwa-kunwari, puro katotohanan. Ang totoo, alam kong nagkamali ako sa maraming bagay recently. Pero alam ko rin na I've been trying my best, yun naman ang importante di ba? Ang mga nangyayari sa buhay parating may rason, at unti-unti kong narerealize ang mga rason kung bakit nangyari ang mga bagay sa buhay ko. Ang alam ko lang, buhay pako. 'Live to Tell' ika nga. At mrami akong kilala na, they have lived to tell the part of their lives na feeling nila, di nila malalagpasan. Anlaki ng respeto ko sa mga taong ito ngayon, saludo ako sa inyo mga pare at mare. Dahil andyan kayo, may mga tao na dumadagdag who can also 'Live to Tell', dahil andiyan kayo para sabihin na.. 'Hoy. Gising.'

Ok na ok ako sa trabaho ngayon. Sa totoo lang, d ko maimagine na ako si Ash dati, walang pakealam sa aral at nagyayayang manood ng sine halos araw araw, lalo na kapag ang class ay 'German' "Ich liebe dich"? Hehehehe. Napapansin kong may sense pala ang pagka-CS ko sa UP, kahit na akala ko dati gusto ko nalang tulugan si Sir Quiwa. Sir, salamat sa inyo, ang bilis ko matuto. O baka naman dahil magaling lang talaga pamilya ko :). Sa tingin ko, pareho HAHAHA. 'Sex? Baka isulat niyo, ALL THE TIME.' HAHAHHAA. Dabest tlga si Sir Quiwa. Kala mo tutulugan mo na biglang hihirit ng kung ano. Sir, lolo na kayo, but then again, dahil don nakinig ako sa Hashing functions niyo. :) Hindi ko na matandaan pero sa tingin ko nagkasense naman. Gumradweyt naman ako di ba?

Kanina kumain kami ni ate alet sa isang kainan dito lang malapit sa kanila. Naalala ko yung 'Likha Diwa'. Singkwenta ang kape, pero masarap at hindi na makatulog si best matapos uminom. Ngayon nga lang, hindi kape ang ininom. Pero ok lang, parang tumatanda na ang pakiramdam ko. Medyo may kick na ang inumin. (ulet. at hindi na dahil cool lang.) Malapit na bedey ko. Ang sabi ng Diyos, 'Iha, oras nang tumanda ka.' Sa tingin ko nga. Kahit papano, salamat sa Diyos, naisip niyang patandain nako (wala pa namang puting buhok, salamat naman).

Naisip ko nang yakapin ang buhay ko ngayon. Dati kasi, pakiramdam ko, hindi pa ako makapaniwalang andito ako, at hindi ko rin alam kung gusto ko bang tanggapin na makikibagay ako sa mundo dito. Pero pinili ko ito e. At kahit pa, mahirap makibagay, binigyan ako ng pagkakataong patunayan na kaya ko. Sa tingin ko naman, napatunayan ko e. Kaya, kudos sa sarili ko bwahaha.

Hay. Kaantok ah. Kapagod umuwi. But it's good to be home. In a way.

Good night world.

0 comments: